Tila hindi na nakapagtimpi ang dating PBB Housemate na si Axel Torres. Sa mga balita tungkol sa ex-gf niyang si AJ Raval.
Marami nga ang nabigla sa hayagang pag-amin ni AJ Raval sa tunay na namamagitan sa kanila ngayon ni Aljur Abrenica.

Isinapubliko na kasi ng dalaga at inamin na niyang nililigawan siya ni Aljur na kakahiwalay pa lamang sa kanyang misis na si Kylie Padilla noong April.

Kasunod nito ay may mga video at larawang kumalat sa social media. Na namataan sina Aljur at Aj na magkasamang namimili sa isang mall.

Holding hands while walking ang dalawa na tila wala ng itinatago sa publiko. May pag-akbay at paghawak pa sa bewang ang nakuhaan ng video.

Maraming netizens ang tila hindi nagustuhan ito pero dedma lamang sina AJ at Aljur sa kanilang mga basher. At sa mga sasabihin ng ibang tao sa kanila.

Ngunit tila hindi lamang ang mga netizens ang hindi natuwa sa malalim na pagtitinginan ngayon nina Aljur at AJ.

At ito nga ay walang iba kundi ang dating nobyo ng aktres na si Axel Torres.

Sa kanyang latest Instagram post ay tila may hinanakit ang dating housemate ni Kuya sa nagaganap ngayon kina AJ at Aljur.

Nagpost ito ng kanyang larawan na nakasuot ng dilaw na long sleeve polo. At sa kanyang caption ay tila dismayado siya sa dating nobya.

Saad ni Axel, “Right now, i’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up with the person that she told me not to worry about but it’s alright”
Mukhang si Aljur ata ang naging dahilan ng hiwalayan nina AJ at Axel sa tono ng caption ng aktor.
Ilang mga larawan at video nina AJ Raval at Aljur Abrenica na sweet sa isat-isa hinihinala ng mga netizens na magkarelasyon na ang dalawa!
Tila handa ng ihayag nina Aljur Abrenica at AJ Raval ang tunay na relasyon nila sa publiko.
Kamakailan lang, sa panayam sa kanya ng PEP.ph ay inamin ni AJ na ‘getting to know’. Na ang status nila ni Aljur. Na kakahiwalay pa lamang sa kanyang dating partner na si Kylie Padilla.
Saad ng aktres, “Yes, siya. Nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know.”

Si Aljur din ang tinutukoy ni AJ na manliligaw niya na boyfriend material.

Samantala, maraming netizens naman ang hindi naniniwala kay AJ na nagliligawan pa lang sila ni Aljur.

Lalo na ng may kumalat na video at picture ng dalawa na sweet na namimili sa isang mall. Holding hands while walking pa nga ang peg ng dalawa.

Kumpirmadong sila ng ang holding hands while walking “couple” sa naturang litrato dahil may mga nagpa-picture pang mga fan sa kanila.

May video din na nakaakbay si Aljur kay AJ at nakahawak naman sa bewang ng aktor ang dalaga. Kung susumahin ay para tunay na magkasintahan na ang datingan ng dalawa.
Matatandaan na sinabi noon ni AJ na hindi imposible na mahulog siya ng tuluyan kay Aljur.

“Yes po. Puwede po akong ma-in love sa kanya. Kahit sino naman po, napakabuting tao po ni Aljur. Napaka-pure po, totoong tao. Possible naman po na ma-in love ako sa kanya,” saad ng aktres.

Nagpaalam din daw si Aljur sa kanyang ama na si Jeric Raval bago nito inumpisahan ang panliligaw.
The post Axel Torres, may patutsada sa kanyang ex-girlfriend na si AJ Raval at sa bagong boyfriend nitong si Aljur Abrenica appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments