Looking For Anything Specific?

Netizens, usap-usapan ngayon ang bagong lipat na aktres na ito na gaganap umano bilang Valentina sa Darna!

Ngayong isa na siyang Kapamilya star, isa si Janine Gutierrez diumano sa pinagpipiliang gaganap bilang Valentina.

Kamakailan nga lamang ay isinapubliko na ang mga artistang kasama sa casting ng Darna TV series ng ABS-CBN. Na pinagbibidahan ni Jane De Leon bilang Darna.

Puro mga bida pa lamang ang ipinakilala sa madla at wala pang detalye sa mga villains o makakalaban ni Darna.

Alam naman ng lahat na ang pinakamatinding kalaban ni Darna ever since ay si Valentina. Kaya naman inaabangan ng marami kung sino nga ba ang gaganap sa karakter na ito.

Nang mga unang araw na lumipat si Janine Gutierrez sa Kapmilya from Kapuso network ay isa na siya sa mga napipisil bilang Valentina.

Sa kanyang pagdating sa bakuran ng ABS-CBN ay inaasahang makakagawa siya ng mga dekalibreng teleserye na paniguradong mamahalin ng televiewers.

Sa pagsalubong sa kaniya ay sinagot ni Janine ang ilang mahahalagang katanungan na ipinukol sa kaniya ng mga press.

Nang tanungin naman siya patungkol sa pagkakapili sa kaniya ng Netizens bilang gumanap na Valentina sa upcoming SuperheroSerye na Darna ay bukas umano siya sa posibilidad na ito.

““It’s so interesting to me. Of course I’m a fan of Darna. I’m a fan of all the old films. Actually parang meron akong napanood before na iyong lola ko, nag-Valentina, e. So it’s interesting,” saad ng aktres.

Gumanap na Valentina sa pelikulang Darna: Ang Pagbabalik ni Anjanette Abayari noong 1994 si Pilita.

Dagdag pa niya, “Siyempre flattered ako na nakikita ako ng ibang tao na mapasama sa ganoong klaseng proyekto, so I don’t know, we’ll see.”

Sa ngayon ay bida si Janine sa seryeng pinagtatambalan nila ng aktor na si Paolo Avelino.

Jane De Leon, pinakilala na ang kanyang magiging leading man sa Darna!

Nabunyag na ang mga cast na makakasama ni Jane De Leon sa Darna TV series ng ABS-CBN.

Tila nga natagpuan na ni Darna ang siyang magiging katambal nito sa muli niyang paglipad. Para sa isang panibagong bersyon ng kaniyang kwento.

Lumitaw nga na makakasama ni Jane De Leon sa kaniyang paglipad bilang si Darna ang kapamilya young actor na si Joshua Garcia.

Sa live telecast nga ng ABS-CBN para sa Darna’s cast reveal ay ipinakilala na si Joshua ang makakatambal ni Jane.

Kabilang din sa casting ang aktres na si Iza Calzado.

Naging napakagandang exposure at training ground kay Jane ang  ilang buwan niyang pagiging bahagi ng Ang Probinsyano kaya hinog na siya sa kanyang pagganap bilang bagong Darna.

Samantala, matatandaan na noong Abril ay naibulalas na ni Direk Rhyan Carlos. Na mapapabilang nga si Joshua Garcia sa cast ng Darna TV series.

Sa pagsisimula ni Direk Carlos ay ibinahagi nito ang naging pagsisimula ng journey ni Joshua. Pagkatapos nitong lumabas ng bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother. At naibahagi pa nga niya na noong una ay kinatamaran umano ni Joshua ang pagwo workshop.

“Nu’ng lumabas siya sa “PBB,” pinag-workshop siya sa akin, tapos ang tamad-tamad niya mag-attend ng workshop.

“Ang sabi ko lang sa kanya, ‘if you’re not gonna be diligent in attending the workshop and doing assignments and doing rehearsals, walang mangyayari sa ‘yo,” kuwento ni Direk Carlos.

Aniya na mukhang natauhan naman daw si Joshua sa mga sinabi niyang iyon kaya naman lumabas umano ang galing nito sa pag-arte.

“Hanggang sa mamayang konti, nag-attend siya nang nag-attend ng workshop. Humusay nang humusay, hanggang naging ‘ibang klase ka  ah.’

Well, again, marami ang kinilig ngayon pa lang kina Jane at Joshua, ha! Bagay nga raw ang dalawa.

The post Netizens, usap-usapan ngayon ang bagong lipat na aktres na ito na gaganap umano bilang Valentina sa Darna! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments