Looking For Anything Specific?

Pauleen Luna, sasampahan ng kaso ang isang netizen na nang-insulto sa kanyang anak na si Baby Tali

Bilang isang ina, sila ang unang nasasaktan kapag ang anak ay nagagawang latiin ng ibang tao. Lahat ay gagawin ng isang ina upang maipagtanggol kung sinuman ang mang-api o gumawa ng masama sa kanilang mga anak.

Source:IG/pauleenlunasotto

Kaya naman ganito na lamang ang naging galit ng TV host-actress na si Pauleen Luna-Sotto sa isang netizen umano na tumawag sa kanyang anak na si Tali ng salitang ‘pangit’.

Source:Facebook/Patrich Walter L. Harris

Nag-umpisa ito ng kumalat ang post ng basher na si Patrich Walter L. Harris sa Facebook kung saan sinabi nitong “pangit na bata” si Tali. Kahit na tumanggap ng maraming batikos si Harris ay hindi parin ito tumigil sa maaanghang niyang salita laban sa bata.

Source:Facebook/Patrich Walter L. Harris

Ayon pa sa kanya, “Kahit anong sabihin niyo wala akong pake basta pangit ung bata tapos. Kung naapektuhan kayo kasi pangit anak niyo diko na kasalanan yun wag kayong pakialamero jarn okay? Wag din kayo tumawa sa post ko tapos biglang nag cocomment kdhdkskd jeez.”

Kaya naman hindi maaaring hindi nakarating kay Pauleen ang pang-iinsulto ni Harris sa kanyang anak. Kaya naman siya na mismo ang gumawa ng paraan upang kausapin ang naturang basher. Sinabi ni Pauleen na maaari niyang kasuhan si Harris dahil labag sa batas ang kanyang ginagawa.

Source:Facebook/Patrich Walter L. Harris

Ngunit, tila hindi naniniwala si Harris na si Pauleen nga ang kanyang kausap dahil nagagawa pa nitong magbiro at tawaging ‘Mars’ ang aktres. Ipinost rin nito sa Facebook ang naging usapan nila ng aktres. Sabi pa ni Harris, mas okay pa raw ang makulong kesa mag public apology siya.

Samantala ikinagulat ng lahat ng biglang magbago ang ihip ng hangin. Kung saan naisaad niya sa kanyang panibagong post na, “Ako po si Patrich Walter Harris taos pusong humihingi ng sorry sa lahat ng magulang at sa lahat ng taong nasaktan sa mga nasabi ko lalo na po sa pamilya ni M’am Pauline Luna Sotto at sa lahat po ng followers, supporters fans ni Pauline at Family Sotto ako ay taos pusong humihingi ng sorry sa inyong lahat.”

Source:Facebook/Patrich Walter L. Harris

Dagdag pa niya, “Ako ay nagsisisi sa mga nasabi kong mali sa inyong lahat. Pasensya na kayong lahat! Thank you so much.”

Marahil natauhan siya sa mga sinabi sa kanya ng aktres na hindi niya pinaniwalaan kung kaya’t siya nagbigay na ng kanyang public apology.

Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto, Ipinakita Sa Publiko Ang Kanilang Modernized Na 2-Storey Mansion Na Ubod Ng Ganda

Ang celebrity couple na sina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto ay laging inaabangan sa noontime show na “Eat Bulaga” sa GMA 7 magpa hanggang ngayon. Ang dalawa ang parehong naging TV host ng noontime show. Noong 1995 sa isang segment ng “Eat Bulaga”, unang nakilala si Pauleen nang siya ay sumali sa Little Miss Philippines at siya ang nanalo.

Kaya pagkalipas ng maraming taon naging parte na siya ng show. Dito rin sila nagkakilala at nagkamabutihan ng kaniyang asawa na si Bossing Vic Sotto. Kaya noong 2015 ay na engaged sila at ikinasal noong 2016, ngayon ay mayroon na silang anak na babae ang napaka-cute at bibong si Talitha.

Kasabay ng pagkakaroon nila ng anak ang pagpapatayo nila ng kanilang 2 storey mansion sa Laguna. Ipinasilip ni Pauleen ang hitsura ng kanilang bahay sa kaniyang Instagram account. Marami sa kanilang tagahanga ang napa-wow sa sobrang ganda ng kanilang mansiyon. Ang kanilang mansyon ay napakaganda at napaka-modern ng disenyo.

Sa pagpasok pa lang ng kanilang bahay ay sobrang ganda ng ambience at interior design nito. Dito makikita ang color white motif na loob ng kanilang bahay at napaka-linis nitong tingnan.

Unang mapapansin ang kanilang magandang living area na may pagka-classy ang disenyo. Ang kanila namang dining area ay may pagka-elegante ang dating na animo’y para nasa high class na restaurant. Kapansin-pansin din ang kanilang magandang wooden stairs.

Sa labas naman ng kanilang bahay ay makikita ang isa pang area kung saan pwedeng magrelax habang nakaharap sa swimming pool. Ang kanilang pool area naman nila ay malawak at napaka-linis na may magagandang halaman na naka display.Sa harap ng kanilang mansyon ay kitang-kita ang naggagandahan nilang mga sasakyan.

Talagang pinag-usapan at hinangaan ng kanilang mga tagahanga ang kanilang napakagandang mansyon. Hindi ito nagpapahuli sa mga modernong disenyo ng mga bahay ngayon.

The post Pauleen Luna, sasampahan ng kaso ang isang netizen na nang-insulto sa kanyang anak na si Baby Tali appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments